MANILA, Philippines - A student of the University of the Philippines Los BaƱos (UPLB) has decided to shed light on the incident involving Davao Mayor Rodrigo Duterte, allegedly disrespected by student named Stephen Villena during the forum on Friday.

Duterte forum UPLB
UPLB student Stephen Villena asked Duterte about peace and order implementation.
In a lengthy Facebook post on Sunday afternoon (March 13), Minami Iwayama recalled what really happened during the academic forum about governance, transparency and social transformation.

Iwayama said the forum should have started at 2:00 p.m. but Duterte arrived at the auditorium around 3:30 p.m.

After Duterte made his speech, a long line of students queued behind two microphone stands inside the DL Umali to ask the Davao City mayor some questions. The Q&A started past 5:00 p.m.

But after answering three questions from a student who asked about 'lumad killings,' from USC and Perspective representatives, Duterte said he really needs to go. A male student pleaded for the candidate to spare more time to answer queries.

"I would like to appeal Mayor Duterte in behalf of the students behind the line kung pwede lang pong sumagot ng a few more questions lang po because it is quite rare for us students here to meet a presidential candidate. We really want to know you," he said while the crowd cheered.

Duterte refused, explaining that he needed to leave because the helicopter waiting for him can only travel before sunset.

Stephen Villena was the fourth student who gave question to Duterte. Iwayama clarified his question is about how Duterte will implement peace and order in the counrty without sacrificing the budget for Education.

"Again, hindi sinasagot ng butihing Mayor ang tanong na ibinigay sa kanya, kaya nagfollow-up question ang nasabing mag-aaral. Hindi parin nasagot ng maayos ni Mayor Duterte ang katanungan, kaya nagsabi na ang mag-aaral na sagutin ang tanong on-point para rin makauwi na ang nasabing Mayor dahil nagmamadali na rin siya. Hindi nasagot ang tanong."

WATCH: UPLB student allegedly disrespects Duterte, earns mixed reactions

Here's the full story as recalled by UPLB student:

"WHAT HAPPENED DURING THE DUTERTE FORUM

May kumakalat na Q&A clip na di umano’y pambabastos ng isang UPLB Student kay Hon. Mayor Rodrigo Duterte. Ngayon, gusto ko lang po muna ilagay sa konteksto kung ano talaga ang nangyari sa nasabing forum.

Una po sa lahat, gusto ko pong ipaalam na ang oras po na napagkasunduan para magsimula ang forum ay 2:00pm. Ngunit, dumating po si Mayor Duterte around 3:30pm.

Ikalawa, ang forum po ay isang ACADEMIC FORUM ukol sa Governance, Transparency, and Social Transformation at hindi ukol sa kampanya ni Duterte.

Ikatlo, kakatapos pa lang ng speech ni Mayor Duterte eh dumagsa na ang mga mag-aaral sa microphone for Q&A. Gusto ko lang pong i-establish rito na maraming UPLB students talaga ang gustong magtanong kay Mayor Duterte.

Ika-apat, nagsimula po ang Q&A at around 5:00pm (or past 5 na nga ata). Ako po ang in-charge sa pagreregulate ng microphone for Q&A sa right side (facing the stage). Nakiusap sa akin ang USC at Perspective representatives kung pwede raw ba sila maunang magtanong. Tinanong ko ang iba pang mga mag-aaral na nakapila kung okay lang ba sa kanila na paunahin ang USC at Perspective. Pumayag ang mga nasabing mag-aaral.

Ika-lima, EDIT: *Dahil hindi ko nabigyang detalye ang pagkakasunud-sunod ng mga estudyanteng nagtanong, ito po ang pagkakasunud-sunod. Una po ay ang mag-aaral na nagtanong on Lumad Killings (left side). Ikalawa po ang rep. ng UPLB Perspective (right side). Ikatlo po ang USC Chairperson (left side). Ikaapat naman si Mr. Stephen Villena.*
Dahil ang haba sumagot ni Mayor Duterte, kalagitnaan pa lang ng kanyang pagsagot sa tanong ni MR. USC Chairperson, eh nagsabi na siya na hindi na siya pwedeng magtagal. Dito nakiusap ang USC Chair kung pwedeng mag-accommodate pa si Mayor Duterte ng ilan pang mga katanungan pagkat gusto ng mga mag-aaral ng UPLB na mas makilala pa ang nasabing Mayor. Hindi napagbigyan ang nasabing hiling. EDIT: *Gusto ko lang rin po idagdag para malinaw sa ating lahat na hindi na pwedeng magtagal pa si Hon. Mayor Duterte sa DL Umali pagkat hindi raw pwede bumiyahe ng gabi ang helicopter na kanyang gamit bilang transportasyon (for safety reasons).*

Ika-anim, parte ng isa sa mga nahuling katanungan na ito ang kumakalat ngayon na video na di-umano’y pambabastos ng UPLB kay Duterte. Ang tanong talaga ng mag-aaral ay kung paano iiimplement ni Duterte ang kanyang Peace and Order sa buong Pilipinas nang hindi binabawasan ang budget sa Edukasyon. Sinubukan niyang ilagay sa konteksto ang kanyang katanungan kaya nasabi niya nang siya ay magpunta sa Davao (for GASC ata yun) napansin niya na maraming armadong pulis sa lugar. At kung ito ang paraan ng pag-iimplement ni Duterte ng Peace and Order sa Davao, ganito niya rin ba iimplement ang Peace and Order sa buong bansa kung siya ay papalarin? Kung ganito man, saan niya kukunin ang budget for heightened militarization? Sa Edukasyon ba? Again, hindi sinasagot ng butihing Mayor ang tanong na ibinigay sa kanya, kaya nagfollow-up question ang nasabing mag-aaral. Hindi parin nasagot ng maayos ni Mayor Duterte ang katanungan, kaya nagsabi na ang mag-aaral na sagutin ang tanong on-point para rin makauwi na ang nasabing Mayor dahil nagmamadali na rin siya. Hindi nasagot ang tanong.

Lampas sampu pa po ang nakapila for Q&A (sa right side pa lang ito) nang matapos ang nasabing event. Para sa akin, ano pa ang point ng isang Academic Forum kung lilimitahan naman natin ang mga gustong magtanong.

Ilang araw na rin po akong tinatanong ng ibang supporters ni Duterte at commentators kung hindi ba raw AROGANTE, BASTOS, at WALANG MODO ang ginawa ng nasabing mag-aaral kay Mayor? Ang sagot ko lang po rito ay ALAMIN PO MUNA NATIN ANG KONTEKSTO ng nasabing kumakalat na video bago tayo magbigay ng opinion.

At dahil nasa usapan na rin naman tayo ng AROGANTE, BASTOS, at WALANG MODO baka maganda rin na suriin natin ang ating mga sarili AT COMMENTS ukol sa nasabing issue.

Itanong natin sa mga sarili natin kung ang *CYBERBULLYING at pagbibigay ng DEATH THREATS sa mga mag-aaral ng UPLB ay hindi AROGANTE, BASTOS, at WALANG MODO.

*EDIT DISCLAIMER* Lahat po ng aking sinabi ay base lamang sa kung paano ko naaalala ang mga kaganapan sa loob ng DL Umali. Hindi ko po sinasabi na ang lahat ng inilahad ko ay ang huwad na katotohanan pagkat noong Biyernes pa po naganap ang nasabing Forum at maaaring di rin masyadong makapangyarihan ang aking recall sa nasabing event. HIGIT SA LAHAT, ANG POST NA ITO AY HINDI PUBLIC STATEMENT NG UPLB STUDENTRY. Maraming Salamat Po.

Meanwhile, UPLB has no official statement yet on the controversial Duterte forum.

0 comments:

Post a Comment

 
Top